MAYAMAN man o MAHIRAP
Tayo ay Iisa Lamang!


Mula sa sipi ng Mga Kawikaan 22:2, "Rich and Poor have this in common, The Lord is the maker of them all". Nagsasabi ito na tayo ay ginawa ng pagkapantay na kung saan kahit mayaman man o mahirap, tayo ay iisa lamang. Ngunit ano ang nakita ko sa ating henerasyon ngayon na kung saan nagiging mas mahirap ang mga mahihirap at ang mga mayaman ay mas nagiging mayaman. May mga tao sa ating lipunan naghihirap dahil sa hindi pagkapantay ng pribilehiyo na dapat ibibigay ng ating gobyerno sa atin mga Pilipino. Dahil sa hindi pagkapantay na pagbigay ng pribilehiyo sa atin ay nagiging dahilan kung bakit may maraming tao ang naging mas mahirap. Binigay ang lahat ng pribilehiyo sa mga mayaman na kung saan ang mga mayaman ay nasa posisyon ng ating pamahalaan. Mga taong nasa posisyon ay nagiging mayaman dahil sila yung nagagawa ng mga batas na kung saan nagsasabi sila na ito ay para sa mga mahihirap ngunit sa kabilang sabi na ito pala ay para lamang sa kakabuti ng kanilang buhay bilang isang mayaman. Dahil rito, nagiging mas mahihirap ang Pilipinas na kung saan ito ay pinamumunuan ng mga pinuno na nag-uuna sa pagsira ng ating bansa dahil sa mga batas na ginawa nila upang magiging mas mahirap ang naghihirap dahil sa kakulangan ng suporta ng gobyerno. At dahil rito, nagtatanong ko sa aking sarili kung bakit nagiging mas mahirap yung naghihirap na kung saan sila pa yung naghihirap na. Iniwan ba tayo ng Diyos o nandito ang Diyos upang gabayin tayo ngunit tayo ang dahilan kung bakit mas lumala yung ating problema? Nasaan ba yung pagkapantay ng tao sa ating bansa?.


GIYERA LABAN SA DROGA

Marami sa atin ang nakarinig ng mga balita tungkol sa giyera laban sa droga na kung saan ito ay isa sa mga problema ang ating nararanasan araw-araw. Marami sa atin ang nagsasabi at nagtatanong na "bakit ang mga mahihirap ay pinatay at dinakip ng mga pulis ngunit ang mga mayaman na mga salarin ay hindi dinakip ng mga pulis?". Ito ang dahilan kung bakit maraming tao ay nagkokontra sa patakaran ni President Rodrigo Duterte na ang Drug Policy na kung saan maraming tao ay bumatikos o hindi sumang-ayon sa patakaran ito

dahil sa mga nangyayari ng mga Pilipino na nalulong sa droga katulad lamang sa nangyayari sa asawa ni Jennelyn Olaires na pinatay ng mga grupo ng mga magmamasid
. Hindi lang ito nangyayari sa asawa ni Jennelyn Olaires lamang kung di ito ay nangyayari sa mga mahihirap na nalulong sa droga na kung saan ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga mahihirap ay nagiging mas mahirap. Maraming tao ang nagtatanong kung bakit ang mga mayayaman na nalulong sa droga ay hindi pinatay o dinakip na sila yung nagbenta ng droga sa buong Pilipinas? Ano kaya ang nasa likod ng hindi pagdadakip ng mga malalaking kriminal na nagdudulot ng panganib sa ibang tao lalong lalo na sa mga mahihirap? 


Ayon sa istatistika ng World Report 2017 ng Human Rights Watch, higit sa 7000 ang pinatay noong Hulyo ng taong 2017 dahil sa droga na kung saan kadalasan nito ay mga mahihirap. Masasabi natin na ang mas na apektado ay ang mga mahihirap na kung saan wala silang sapat na pera upang mapalaya ang kanilang sarili. Bakit ba ang mga mahihirap lamang ang pinatay na kung saan sila lang yung ang gumamit lamang ng mga masamang gamot pero yung mga mayaman ay hindi pinatay na kung saan sila pa yung nagbenta at gumamit pa ng masamang droga? May ibang mga mayaman na nagbibigay ng pera sa mga pulis upang hindi sila mahuli. May iba ding mayaman na nagbibigay ng mga pera sa mga ibang tao na patayin yung tao, isang mahihirap lamang, na may alam sa kanilang ginawa upang hindi sila mahuli ng mga pulis. Dahil rito masasabi natin na ang ating kapanuhonan ngayon ay hindi pantay kasi
mas lalong nahirapan ang mga mahihirap dahil sa mga ginawa ng mga mayaman sa ating bansa. Upang malutas yung problema natin sa droga na kung saan mas marami ang pinatay na mahihirap, dapat bigyan ng maayos na edukasyon sa mga mahihirap sa mga pinagbabawal na gamot upang wala ng mga tao nalulong sa droga kasi sa aking nararanasan, ang mga mahihirap ay tinuruan lamang ng maliit na impormasyon tungkol sa mga gamot na ito na kung saan hindi masyado sapat ang impormasyon na ibinigay ng mga guro sa kanila at ang may kakayahang makapag-aral sa prestihiyoso na paaralan na may kakayahang makapagturo ng maayos sa mga gamot na ito. At Dapat bigyan pansin din ang mga tao na mayaman na na nalulong din sa droga upang may pagkapantay ang mga nahuli dahil sa droga.




ANG TRAIN LAW

TRAIN LAW, isang bataw na pinatupad ng mga mambabatas na kung saan maraming tao ang apekatado lalong lalo na sa mga mahihirap. Ito ay isang batas na kung saan lahat ng ating mga pangangailangan ay pinatungan ng mataas na tax upang magiging maayos yung ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit ang mga nakikinabangan lamang ng itong batas ay ang mga mayaman na kung saan makabili pa rin sila ng mga produkto kahit mataas pa yung presyo ng mga ito dahil sa maraming pera na nasa nila. Ayon sa Anual Labor and Employment Status 2017 ng PSA (Philippine Statistics Authority), higit sa 5.7% sa atin mga Pilipino ang walang trabaho na kung saan 2.4 milyong Pilipino ang walang trabaho, 76.1% ng mga ito ay nasa 15-34 taong gulang. Ano ang mangyayari sa mga mahihirap kung ito ay pinatupad ng presidente? Sila ay mahihirapan sa pagbili ng mga produkto na kanilang kailangan sa pang araw-araw ng buhay kasi hindi masyado sapat yung pera nila upang makabili ng mga produkto ito. Marami ding mga nalubog sa utang dahil sa maliit na sweldo na kanilang natangap. At higit pa sa lahat, marami nila ang walang makain dahil sa mataas na presyo ng bawat produkto natin.

Upang gumaan yung problema ng mga mahihirap, dapat may ibang produkto na hindi masyado mahal yung presyo upang makabili pa rin sila ng mga kakailangan nila araw-araw. Bawat Linggo, Dapat may mga mayaman na nagbibigay ng mga kalakal sa mga mahihirap upang hindi sila palagi magbibili ng mga kalakal sa mga tindahan pero dapat sad nila malaman kung ano ang estado ng kanilang buhay upang malaman nila kung ito ba ay karapat-dapat bigyan ng mga nito katulad lamang sa mga tao na walang trabaho at mga maliliit lamang yung sweldo nila na hindi sapat sa mga pangangailanganan nila araw-araw. Dapat pataasin yung sweldo ng mga manggagawa kasi sila yung ang nagtratrabaho araw-araw na kung saan palagi na sila napagod upang magaan yung buhay nila. At higit pa sa lahat dapat bigyang pansin yung mga walang trabaho na kung saan bigyan sila ng mga trabaho na may sapat na sweldo upang hindi sila magiging mas mahihirapan dahil sa TRAIN Law.




ANG PAGKUHA NG MAYAMAN SA MGA YAMAN NG MGA MAHIHIRAP

Katulad lamang sa ginawa ng mga Cojuangco at mga Aquino sa ating bansa, marami sa atin mga Pilipino ang naghihirap dahil sa ang ating pera ay kinuha ng mga mayaman lalong lalo na sa mga tao na may posisyon ng pamahalaan. Hindi lang ito ginawa ng mga Cojuanco at mga Aquino kung hindi ang mga mayaman din na may posisyon sa ating pamahalaan na kung saan maraming pera ang kinuha nila upang magiging mas mayaman sila at maraming tao ang naghihirap dahil sa kanilang ginawa. Noong 2010 na kung saan ito ang taon na ang Pork Barrel Scam ang pinakaintrigang balita sa atin, maraming mga tao nasa posisyon ng pamahalaan kasama na yung mga pulis ang nasangkot sa ganitong problema na pinagproprotesta ng mga mahihirap. Dahil sa kanilang ginawa, nasagot na yung tanong natin kung nasaan yung mga pera na ikolekta ng mga tagakolekta ng buwis na para ito sa kinabubuti ng ating bansa. At dahil rito, nagiging mas mahirap ang Pilipinas kasi ang ating pera na para ito sa kinabubuti ng ating bansa lalong lalo na sa ating ekonomiya ay kinuha ng mga sirang politika na kung saan sila pa yung nagmumuno sa ating bansa at nagagawa ng batas para sa kinabubuti ng ating munting bansa.

Upang matanggal yung korupsyon sa ating pamahalaan, dapat tayo, bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ay pumili ng mga maayos na tao upang magiging isang pinuno. Makikita lang natin sa kanyang mga ginawa hinid lang sa kanyang mga salita na kung saan palagi lang sa pagsalita pero wala namang ginawa. Dapat pumili din tayo sa mga tao na bago palang nagtatakbo bilang parte ng pamahalaan upang makikita tayo ng iba't ibang ideya para sa pagbago ng ating bansa at sa pagbuti ng ating mga batas na galing sa ibang tao naman. At sa nasa pamahalaan naman, dapat hindi sila sumasali sa ibang problema ng ating bansa katulad lamang sa korupsyon na ginawa ng mga tao nasa posisyon ng pamahalaan na kung saan maraming pera ang kinuha na para ito sa kinabubuti ng ating bansa lalong lalo na sa ating ekonomiya at paggawa ng mga instruktura sa ating bansa katulad lamang sa mga sira na daan, paaralan at iba pa na makakabuti at pag asenso ng ating bansa.


Ang ating bansa ay hindi naging asenso kasi marami sa atin ang nagiging makasarili na kung saan hindi sila nag-iisip para sa kakabuti ng ibang tao. Katulad ito sa paghati ng mayaman at mahirap sa ating bansa na kung saan ang mga mayaman ay hindi nag-iisip ng pagyaman ng mga mahihirap kung di nag-iisip lamang sila kung paano mas mapayaman ang kanilang sarili. Nagagawa lamang sila ng mga batas na para lamang sa kakabuti ng kanilang sarili at hindi sa ibang mamamayan ng ating bansa ng nagpapakod upang magiging mabuti ang kalagayan ng ating bansa. Ang ideya ng pagkapantay na pagbigay ng pribiliheyo sa mayaman at mahirap ay dapat baguhin sa mga isip ng mga tao na kung saan ito ay dapat baguhin ang ideya na dapat may katarungan angpagbigay ng pribilehiyo ng mga tao sa ating lipunan. Dapat bigyan ng mas maraming pribilehiyo ang mga mahihirap kasi marami ng pribilehiyo ang mga mayaman dahil may silang kakayahang makagawa ng kahit ano pagka't may maraming silang pera dahil sa trabaho na mayroon sila upang makukuha yung pagkapantay ng mayaman at mahirap sa ating bansa.
Dapat ang mga mayaman ay mgtulungan sa pag-angat ng mga mahihirap na kung saan magbigay sila ng mga parte sa kanilang pera sa mga organisasyon sa pamahalaan na nagsusuporta sa mahihirap upang maipatibay yung kampanya nila na nagtutulong sa mga mahihirap. Katulad lamang sa ginawa ni Ramon Magsaysay, isang mabuting pangulo ng ating bansa, na nag-iisip labang sa ibang tao hindi sa kanyang sarili, dapat hindi lang tayo mag-iisip sa kakabuti ng ating sarili kung di mag-iisip tayo sa kakabuti ng ating bansa at sa ibang tao kasi dahil sa pag-iisip lamang sa ating sarili, walang pagbago ang makamit sa ating bansa na kung saan tayo lamang ang nagpapabuti sa atin, hindi tayo nagbubuti sa ibang tao na naghihirap. At higit pa sa lahat, dapat may pakikipagtulungan ang mga mamamayan sa mga tao nasa posisyon ng pamahalaan upang makamit yung pag asenso ng ating bansa at masira yung ideya ng paghati ng mayaman at mahirap sa ating bansa na kung saan ang mga mahihirap ay mas lalong nahihirapan kumpara sa mga mayaman na nagiging mas mayaman. Sa lahat ng mga Pilipino kahit mayaman man o mahirap, dapat tayo magtulungan upang magiging pantay na yung estado ng ating bansa para wala ng matatawag na mahirap at mayaman sa ating bansa kung di bilang isang ordinaryong mamamayan ng ating bansa at makamit na natin ang kanais-nais na pangarap na mabuting at asensong Pilipinas.




Mga Komento